Anything Goes

Everyday Happenings, SEO, Blogging, Love Nothings... Anything Goes

Tuesday, June 17, 2008

To my Lanzilot

Totoy ka pa nun nung una kitang makilala.... mas matanda ako sayo kaya Pagkakita ko sa picture mo.. nasabi ko sa sarili ko... ay totoy pa to hehehhe e totoy ka naman kasi talaga.. 20years old ka pa lang yata nun...

Noon pa iba na ang gusto mo... naughty ka lagi :P virgin ka pa yata noon hhahaa.. well ewan ko wala kang dating sa akin nun e...

Makalipas ang halos isat kalahating taon na yata yun.. nag text ka sa akin... kinausap naman kita.. sabi mo gusto mo ako makita... wala naman akong reason para makipag kita sayo kasi di ka naman constantly nakikipag usap sa akin e...

Makalipas ang dalawang taon yata haha nag YM ka sa akin... hiningi mo number ko... binigay ko naman.. . nagpadala ka ng mms picture sa akin... nagulat ako...kasi mamang mama ka na haha ang tangkad mo pa naman... yun ang weakness ko... 5'11 ka e.... bagay na yata tayo.. ekkk 5'4 lang naman ako... pero basta feeling ko bagay tayo....

Mula nun lagi ka na nag paparamdam sa akin... nakita ko na din yung ibang mga pictures mo... ang gwapo mo tlaga.. at mamang mama na ang dating... di tulad ng dati na totoy pa hehhe.. ngayon machong macho ka na :)

Niligawan mo ako.. ay niligawan nga ba yun.. sinagot naman kita sa text, uu sa text lang kasi di pa naman tayo nagkikita...
E di naging tayo... kaya lang naughty ka pa din... so naisip ko.. naku eto na naman to.. mukhang
yun lang ang habol mo... so nakipag break ako sayo....

Lagi pa din tayo nag uusap... lagi kang walang pera... kung maging tayo.. baka naman maging sugar mami ang dating ko :( well ganun ang feeling ko kaya ayun..ayaw ko na naman sayo....

Lately di ka na nagpaparamdam halos... nagsesend ka lang ng mga quotes sa akin... yun ay gagamitin ko para sa aking text messages blog :p nakita ko status mo sa friendster na nakalagay na in a relationship.. well tinanong kita kung may gf ka na... ang sinagot mo e hindi mo kailangan magexplain.. tinamaan ako dun... sapul sa puso... ang sakit pala nun.. na parang wala kang pakialam sa nararamdaman ko... late na pala nung narealized ko na mahal na pala kita....

Isang araw nag tetext tayo... lahat ng sinabi ko sayo nung araw na yun ay hindi totoo... akala mo masaya ako nun at pumapayag na sa gusto mo... pero tinitingnan ko lang kung ano ang magiging reaction mo... nagkataon naman na nagwrong sent ka... at kausap mo pala ang gf mo... nag aaway kayo nun... at least na confirm ko na meron ka ngang gf... sobrang sakit nun.. umiiyak ako kahit na sa text lagi akong naglalagay ng 'hehe' 'haha' pero goodness... umiiyak talaga ako...

well wala na ako magagawa dun hehe :P ganun talaga ang buhay... kahit walang bf e magpapaganda na lang ako... magpaparebond ako paggaling ako :p magpapafacial din... at wag ka sexy na ako kasi pumayat ako haha... howell......

yun lang... makalipas ang ilang taon na naman, eto di na ako masyado sexy ulit haha... pero naggygym na ako ulit.... madaming beses pa tayong nag usap.. nag kasundo na magkikita... pero laging ganun... laging hindi natutuloy... lagi mong sinasabi na hindi kita matanggap... actually, hindi ka nman kakaiba...

parepareho lang naman mga lalaki... ang kaibahan mo lang, hindi ko maramdaman yung love mo para sa akin.. so nandun yung feeling na wala akong reason, or drive o maramdaman yung feeling na gusto ko gawin sayo yung gusto mo.... ekkk wholesome kasi tong blog ko! ang hirap mag explain hehe...

Hindi ko lam kung hindi mo ako talaga mahal, or hindi ka lang marunong mag express... simple lang naman kasi... gusto ko lang nman maramdaman yung pagmamahal mo, hindi yung l*bog mo hehe... kasi kung naramdaman ko na mahal mo ako... baka maramdaman mo na mas mal*bog pa ako sayo haha... yun naman ang driving force e....

June 18, 2010
makalipas ang ilang taon ulit haha ... ilang taon na nga ba ang nakalipas... gabi nun... at naalimpungatan ako... nag 'buzz' ka sa akin... syempre happy ako nun nag message ka na namn e.. napakastupida ko nga lang... kasi alam mo, kahit gaano kadaming heart pains (ang hirap mag tagalog letch! hehe) ang nabigay mo sa akin, you always get me at one 'buzz'! haha... tanga ko no!!!

well masaya ako, masaya ka... view mo ako view kita... bago ako pumasok, sabi mo kita tayo.. siguro naman matutuloy na...

ayun.. sa cash and carry... nagkita na nga tayo at last... haha... kinakabahan tlaga ako nun... kasi mahal kita... natatakot ako na baka ayaw mo sa akin or what... at baka di ko mapigil sarili ko ... at baka mataranta ako... parang high school sabi mo nga...

alam ko may nasabi ako na nag trigger para sabihin mo na "let's make it official"
actually sana di ko na lang nasabi yun... kasi it's like a hint para makuha mo yung gusto mo... pero pumayag pa din ako.. kasi naisip ko, baka nga nagbago ka na... na marerealize mo na mahal mo nga ako and gusto mong maramdaman ko na mahal mo nga ako... kaso tingin ko mali na nman ako...

Nagawa ko yung ginawa ko nung nagkita tayo kasi gusto ko maramdaman mo kaya kong gawin yung mga bagay na hindi ko sanay gawin... first time yun ha... no big deal sayo pero sa akin big deal yun. siguro hindi mo naramdamang first time yun.. i don't want to brag about it... pero sayo ko lang ginawa yun...

pero alam mo, willing ako gawin madami pang first times, pero hindi ko gagawin kasi nakakatakot masaktan... na hindi ko naman maramdaman na mahal mo ako... at gusto kong maiba... ayokong isipin mo na "im just one of them".... ang hirap i explain haha....

this is a risk.. im willing to take.... but not for long...I always get out of any relationship immediately, as soon as I feel uncomfortable... but you are an exception I believe.. I'll try... and will go beyond my limits... just to make you fall for me....

but the question is... HOW???!!!!!

The doubt that I felt before, is still haunting me....
I want to feel that you really consider me as "your girl"
I'm willing to wait... but I hope that you won't keep me waiting for too long... I can only give a few months of my life haha.... after this I will really give up...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home